Home ENTERTAINMENT Amy, na-pressure sa pagbabalik sa radyo!

Amy, na-pressure sa pagbabalik sa radyo!

Manila, Philippines- Inamin nina Amy Perez at Winnie Cordero na mixed feelings ang kanilang naramdaman sa pagbabalik nila sa Radyo 630-TeleRadyo Serbisyo nang makausap namin sa thanksgiving press conference ng ABSCBN just recently.

“Masaya na mayroon ding pressure, hindi ba? Na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon.

“So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad nang lahat ng nasa DWPM. So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” sabi ni Tiyang Amy Perez.

“So ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila.

“And salamat dahil alam namin kung gaano nila minahal ang istasyon, kung gaano sila ka-dedicated. ‘Yun din ‘yung mga inspirasyon na dala namin ngayon as we move forward with DWPM,” dagdag pahayag pa ni Tiyang Amy Perez.

Sabi naman ni Ms. Winnie Cordero, mahirap daw mag-adjust pero she’s keeping daw the good memories she had with DZMM.

“Bittersweet especially if you think about these people whom you were with in the past… “Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, hindi ba? DZMM forever.

“Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping that the old DZMM will come back but then …. disperesed na kami.

“We still remember the past that put smiles on our faces all the time.

“Pero siyempre, katulad ng usad ng panahon, eh, thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napili. Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasamahan namin noong araw pa,” saad pa ni Ms. Winnie Cordero.

Well, happy rin kami of course na muling nakabalik sina Tiyang Amy Perez at Tiyang Winnie Cordero as hosts ng Radyo 630-Teleradyo Serbisyo kung saan marami silang natutulungan na mga kababayan natin lalo na yung mga maysakit na walang pambayad sa mga hospitals at pambili ng mga gamot para sa kani-inkanilang sakit na nararamdaman, boom, yun na!

And shall we say, welcome back Tiyang Amy Perez and Tiyang Winnie Cordero sa Radyo 630-Teleradyo Serbisyo ng ABS-CBN kahit wala pa ring prangkisa ang nasabing network, seymo Digong? Mercy Lejarde