MANILA, Philippines- Sinisilip ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makumpleto ang pagsuri sa 50,000 hinihinalang pekeng birth registrations ngayong taon.
Inihayag ito ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande sa Senate committee on women, children, family relations, and gender equality sa huling pagdinig nito ngayong Martes sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
“From 2010 to 2024, there are 14.89 million that have been registered under this delayed registration schemes and based on some parameters that we got based on these fact-finding investigations that we’ve done, there is an estimated 50,000 suspected fraudulent cases which are relayed to our field offices to conduct audits to our local civil registry offices and this is ongoing right now,” ani Grande.
“We hope to complete before the end of this year because we have also field officers that are on top of these instructions from our head,” dagdag niya.
Base kay Grande, base ang pagbusisi sa birth registrations mula 2010 hanggang 2024 sa kautusan ni PSA National Statistician Dennis Mapa.
Kabilang sa mga sinusuri ng PSA sa delayed birth registrations ang pagsilang na pinangasiwaan ng hilot o traditional birth attendants, at mga rehistrasyong idineklarang isa sa mga magulang ay dayuhan.
“These are the parameters used and we used the 2010 to 2024 birth statistics data to come up with these statistics, the suspected 50,000 fraudulent birth delayed registrations,” wika ng opisyal.
Lumitaw ang isyu sa birth registration sa POGO investigation matapos kuwestiyunin ng mga senador ang pagkakakilanlan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na hinihinalang isang Chinese spy na may kaugnayan sa POGO operations sa munisipalidad.
Nakuha ang birth certificate ni Guo, na pareho ang fingerprints sa Chinese national na si Guo Hua Ping, sa pamamagitan ng late registration process at kasalukuyang subject ng petition for cancellation sa korte sa Tarlac City.
Samantala, isinusulong ng PSA ang pag-amyenda sa Republic Act 3753, isang 1931 law sa registry ng civil status.
“There’s really a need to amend it. It’s a 1930 law. There have been a lot of changes and several laws pertaining to civil registration and we have this proposal for a comprehensive CRVS (Civil Registration and Vital Statistics) omnibus bill,” giit ni Grande. RNT/SA