Home METRO Fire safety ng mga establisimiyento sa QC posibleng masakripisyo

Fire safety ng mga establisimiyento sa QC posibleng masakripisyo

MANILA, Philippines- Posible umanong masakripisyo ang kaligtasan o ang Fire Safety ng mga establisimiyento sa Quezon City kapag nagpatuloy ang hindi magandang relasyon ng bagong Fire Marshall ng Quezon City at ang mga Fire Inspector nito.

Ayon sa ulat karamihan umano ng mga establisimiyento ng QC ay hindi nasisiyasat para sa kaligtasan ng sunog ng mga fire inspector dahil umano sa hindi maayos na relasyon ng bagong hepe nito  at ng mga fire inspector.

Sinabi ng mapagkakatiwalaang source sa Quezon City Fire Department na karamihan sa mga establisimiyento sa Quezon City ngayon ay hindi iniinspeksyon para sa fire safety requirements ng QC Bureau of Fire.

Ayon pa sa source sa QC Fire Department na mayroon umanong ngayong backlog ng mahigit 30,000 na dapat inspeksyunin para sa fire safety ng mahigit 70,000 business na kailangan pang suriin at inspeksyunin.

Subalit hindi umano ito maisagawa ayon sa source dahil ang bagong Fire Marshal  ng QC Fire ay may hindi umano magandang relasyon sa kanyang mga fire inspector para isagawa ang Fire Safety Inspection Certificate (FSFI)  na nangangailangan ng kanyang lagda.

Idinagdag pa ng source mula sa QC Fire Department na ayaw umanong magsagawa ng fire inspection ang mga fire inspector, dahil sa hindi magandang relasyon nito sa kanilang Fire Marshall at ng kanyang fire inspector.

Nabatid na ang bawat establisimiyento ay rekisitos na magkaroon ng FSIC bago magtayo ng kanilang negosyo bilang requirement ng Building Code. Santi Celario