SAN NARCISO, Quezon – Isang 26-anyos na babae na sinasabing mentally challenge ang napatay ng kanyang ama sa Sitio Lamboy, Barangay San Vicente, nitong bayang ito, nitong Martes ng umaga, Agosto 6.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Imelda Gataga Baraauiel.
Ayon sa imbestigasyon, sinubukan umanong atakehin ng biktima ang kanyang ama na si Salvador, 53, biyudo.
Dumukot ng martilyo si Salvador at hinampas ng maraming beses sa ulo ang biktima.
Dead on the spot ang biktima dahil sa mga pinsala sa ulo at hematoma sa kanang braso.
Inaresto ng pulisya si Salvador at nahaharap sa kasong parricide. RNT