Home NATIONWIDE Taiwanese timbog sa shabu sa NAIA

Taiwanese timbog sa shabu sa NAIA

99
0

MANILA, Philippines – INARESTO ng mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) ang isang Taiwanese national makaraang mahulihan umano ito ng siyam na gramo ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, nitong Martes, Agosto 6.

Ayon sa OTS, nadiskubre ang mga nasabing iligal na droga sa isinasagawa nilang regular na inspeksyon para sa mga papasok sa kanilang flight sa nasbaing paliparan.

Kinilala ng mga awtoridad ang pasahero na si Chen Yinjyun, na agad pinigil makaraang tangkain nitong sumakay sa Cebu Pacific flight 5J 553 patungong Cebu.

Nabatid sa OTS na bukod sa mga nabatid na iligal na droga narekober din ang apat na cellular phone, iba’t ibang foreign currency at humigit-kumulang P25,000 cash, at mga identification card. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here