Home NATIONWIDE Mas mababang presyo ng bigas sa darating na mga buwan, posible –...

Mas mababang presyo ng bigas sa darating na mga buwan, posible – Recto

101
0

MANILA, Philippines – INAASAHAN ng gobyerno na bababa ang presyo ng bigas sa mga darating na buwan.

Ang dahilan ayon kay Finance Secretary Ralph Recto ay dahil sa pagtapyas sa taripa sa imported na bigas.

Kaalinsabay nito, magbibigay naman ang gobyerno ng mas maraming suporta sa mga lokal na magsasaka.

Hiniling naman ni Recto na payagan ang nagpapatuloy na agriculture projects, gaya ng irrigation at dam construction, mas maraming oras para makompleto upang maitaas ang rice production.

Tinutugunan din ng pamahalaan ang ‘supply chain issues’ ng bansa.

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ni Recto na ang budget na ibinigay sa Agriculture Department ay doble ang laki kumpara sa 2022 budget nito. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here