Home NATIONWIDE Pagbuhay sa e-sabong iniumang kasunod ng POGO ban

Pagbuhay sa e-sabong iniumang kasunod ng POGO ban

MANILA, Philippines – Kasunod ng pag-ban sa Philippine offshore gaming operators (POGOs), iminumungkahi naman na tanggalin ang ban sa e-sabong paraan para makakuha ng dagdag na kita ang pamahalaan

Matatandaan na ang operasyon ng e-sabong ay ipinatigil ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasagsagan ng pagkawala ng may 30 cockfighters na nasa likod ng e-sabong operations.

Sa House committee on appropriations hearing sa budget ng Pagcor ay tinanong ni OFW Partylist Rep Marissa Magsino kay Pagcor Chair Alejandro Tengco kung posinleng ipalit ang e sabong para makakuha ng revenue sa pagkawala ng POGO.

Sa pagban sa POGO ay sinasabing nasa P7.5 billion ang mawawala na kita.

Para kay Magsino mainam na isalegal na lamang ang e sabong para pagkakitaan lalo at kahit pa ipinatigil.ito ay mayroon pa rin na nakakapag operate.

Sa panig ni Tengco sinabi nito na s ngayon ay tali ang kanay ng Pagcor ukol sa e sabong.

“Only if there is an enabling law allowing it to come back, then that’s the only time we can exercise our jurisdiction” ani Tengco.

Pinagsusumite ni Magsino si Tengco ng briefer kung saan nakasaad ang maaaring kitain sa oras na maisalegal ang e-sabong. Gail Mendoza