Home ENTERTAINMENT Anak ni Candy na may ASD, may work na!

Anak ni Candy na may ASD, may work na!

Manila, Philippines- Hindi hadlang para kay Quentin na nasuring may ASD o Autism Spectrum Disorder at may ADHD pa para maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

Si Quentin ay anak ng komedyanang si Candy Pangilinan.

Bukod sa ASD, meron ding Attention Deficit Hyperactivity Disorder ang teenager nang anak ng celebrity mom.

Masayang ibinalita ni Candy that Quentin landed his first job.

For two months now, OJT (on the job training) si Quentin at an Italian restaurant.

Taga-serve daw ng order na kape, juice at kung anu-ano pa si Quentin.

Nagma-mop din ito ng sahig at naghuhugas ng plato.

Aminado si Candy na bantulot siya noong una as her son might break plates.

Pero masaya raw ito sa kanyang ginagawa.

Walang duda ring minana ni Quentin ang talento ng ina.

Nagpapakita raw kasi ito ng interes sa pag-arte.

Kamakailan, viral ang video ng mag-ina makaraang magpakita ng tantrums si Quentin.

Ikina-break down ito ni Candy na mangiyak-ngiyak na ponagsasabihan ang anak habang nasa loob sila ng sasakyan.

Ani Candy, natural lang daw sa magulang ang mapagod lalo’t may ganoong anak, pero walang dahilan para sumuko. Ronnie Carrasco III