Home ENTERTAINMENT Andrea, sinabihang retokada, nagpakita ng resibo!

Andrea, sinabihang retokada, nagpakita ng resibo!

Manila, Philippines- Para patunayang hindi siya isa sa mga artistang kailangang magpasalamat sa doktor ay naglabas ng resibo si Andrea Brillantes.

Nagpahiwatig kasi ang isang basher na sumailalim ang Kapamilya actres sa isang cosmetic makeover.

To prove the basher wrong, inilabas ni Blythe (palayaw ng aktres) ang kanyang larawan noong nine years old siya.

Andrea posted it alongside a recent photo taken of her.

Nilakipan niya ito ng angkop na caption para “ipamukha” sa basher na hindi niya kailangang magparetoke.

Andrea’s caption reads: “Pretty with or without enhancements!”

Nakahanap naman ang aktres ng mga netizens na sumang-ayon sa kanya.

Kabilang sa mga ito ang gandang-ganda sa kanyang mga kilay kahit noong menor de edad pa.

Eh, kung di ba naman Andrea has no beauty to boot, hihirangin ba siyang Top 1 among the 100 Most Beautiful Faces sa TC Candler list?

Naungusan lang naman ni Andrea sina Janine Gutierrez, Belle Mariano, Ivana Alawi at Bini Aiaih.

Talbog! Ronnie Carrasco IIi