Home METRO 2 Chinese nationals huli sa pagbebenta ng pre-registered SIM cards

2 Chinese nationals huli sa pagbebenta ng pre-registered SIM cards

MANILA, Philippines – Laglag sa mga awtoridad ang dalawang Chinese nationals dahil sa pagbebenta ng pre-registered subscriber identity module (SIM) cards sa Pasay City.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nag-ugat ang buy-bust operation sa intelligence reports ng grupong nagbebenta ng pre-registered SIM cards para gamitin sa pang-iiscam, identity theft at iba pang illegal na aktibidad.

Ang pag-aresto sa dalawang suspek na kinilalang sina “Yingchun” at “Chunmei” ay isinagawa sa SM Mall of Asia sa Pasay City hapon ng Huwebes, Enero 9.

Dinala sa CIDG-DSOU office sa Camp Crame, Quezon City ang dalawang suspek.

Mahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa probisyon ng SIM Registration Act na nagbabawal sa pagbebenta ng rehistradong SIM nang walang kaukulang requirements.

“This operation reflects our unwavering commitment to enforcing the law against the misuse of technology. We will remain vigilant in combating crimes that endanger public safety,” saad sa pahayag ni CIDG Director Brig. Gen. Nicolas Torre III. RNT/JGC