Home HOME BANNER STORY Paglaganap ng krimen sa bansa, pinaiimbestigahan ni Bato sa QuadComm

Paglaganap ng krimen sa bansa, pinaiimbestigahan ni Bato sa QuadComm

182
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nitong Sabado, Enero 11 ang House Quad Committee (QuadComm) na tutukan na lamang at imbestigahan ang pagkalat ng krimen sa bansa sa halip na “detaining former and current officers who are serving the land in good faith.”

“Ayun dapat ang imbestigahan ng QuadComm, ‘yung mga ganyang insidente ba, na bakit dumadami na ngayon ang mga taong kriminal na malakas na ang loob mamaril ng pulis… Hindi ‘yung mga pulis na nagtratrabaho nang maayos,” ani dela Rosa.

Ang tinukoy niya ay ang kaso ni dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva, na na-cite in contempt dahil sa umano’y pagtanggi nitong sumagot sa mga tanong sa pagdinig ng QuadComm noong Disyembre 12.

Isinagawa ni Abang Lingkod party-list Representative Stephen Paduano ang mosyon matapos na paulit-ulit na itanggi ni Villanueva ang kaugnayan nito sa umano’y warrantless arrest ni Jed Sy, asawa ni drug personality Allan Sy, dalawang dekada na ang nakalilipas.

“Kaya mas lalong lumakas loob ng mga kriminal, lumakas ang loob ng mga drug pusher, ng mga drug lord dahil wala na silang kinakatakutan. Hindi na sila natatakot sa mga awtoridad dahil ‘yung awtoridad, iniipit nila sa QuadComm,” sinabi ni Dela Rosa.

“So ngayon dumami na naman ang adik, matapang na naman ‘yung mga pusher, matapang na naman ‘yung mga drug lord, carnapper,” dagdag pa niya.

Iniimbestigahan ng QuadComm ang mga naitalang nasawi sa anti-illegal drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at ang mga krimen na naka-ugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Noong Disyembre 18, inirekomenda ng QuadComm ang paghahain ng reklamo laban sa ilang personalidad kabilang sina Duterte, at Dela Rosa na nagsilbing hepe ng pambansang pulisya noong nakaraang administrasyon.

Kinondena ni Bato ang imbestigasyon at sinabing maaari itong gamitin laban sa kanila sa International Criminal Court (ICC). RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here