Home OPINION ANG ‘MENSAHE’ NI DONALD TRUMP

ANG ‘MENSAHE’ NI DONALD TRUMP

MALAKING “inspirasyon” sa maraming panig ng mundo ang mga ginagawa ni US President Donald Trump upang maibalik ang tiwala ng mga Kano sa kanilang gobyerno at sa kanilang mga sarili.

Bukod sa malawakang deportasyon ng ‘illegal migrants’ kung saan biglang bumaba sa higit 95-porsiyento ang mga gustong makapasok ng iligal sa US mula sa ‘Texas border,’ pinupuri rin si Trump sa ginagawa nitong pagsupil sa malawakang korapsyon sa burukrasya na tinatayang “nagpadudugo” ng halos $1-trilyon sa kaban ng Amerika kada taon, sa tulong ng bilyonaryong si Elon Musk.

Ilan sa mga anomalyang nabisto na ni Musk ay ang taunang pensyon na $1.4-bilyon sa mga PATAY, as in “tigok” na mga pensyonado; ilang libong “retirado” na edad higit 120 hanggang 150 ay tumatanggap pa rin ng pensyon! Eh, sino namang maniniwala ‘dyan, aber?

Nabisto rin ang naging raket ng mga korap na ‘appointees’ ni Joe Biden kung saan 3-buwan lang ang ‘contract of service’ sa gobyerno pero tuloy-tuloy pa rin ang sweldo hanggang ngayon!

Ginamit din ang ‘disaster fund’ ng FEMA (NDRRMC sa ‘Pinas) para ipambayad sa ‘luxury hotels’ na tirahan ng illegal migrants—habang libo-libong Kano ang mga wala pa ring bahay dahil sa mga sunog at kalamidad California, Hawaii at iba pang mga lugar sa Amerika.

Kaya nga, kung 47 porsiyento lang ang ‘trust rating’ ni Trump matapos makabalik na pangulo, pumalo na ito ngayon sa higit 75 porsiyento kahit wala pa siyang isang buwan sa pwesto!

Mistulang ‘melting ice’ ngayon ang ‘Democratic Party’ dahil nag-aalisan na ang mga miyembro at ang mga “bosing” tulad ni Clinton, Obama at Biden ay nabistong “nagpasasa” sa malawakang korapsyon sa gobyerno ng Amerika na “yumabong,” “nagkaugat” at naging isang malaking puno ng katiwalian sa termino nila.

Simple lang ang “mensahe” ni Trump—kung ano ang ipinangako mo noong kampanya, gawin mo.

Sa ‘Pinas, “uso” ba ‘yan?