Home NATIONWIDE Angara bukas sa pagiging DepEd chief

Angara bukas sa pagiging DepEd chief

MANILA, Philippines – Bukas si Senador Sonny Angara sa pagiging susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa ambush interview nitong Lunes, Hunyo 30, tinanong si Angara kung handa ba siyang umupo sa pwestong binakante ni Vice President Sara Duterte.

“Opo. Open tayo kung sakaling pagkatiwalaan,” sagot ni Angara sa tanong ng mga mamamahayag.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Angara na hindi pa siya nakakatanggap ng anumang alok para sa posisyon.

Matunog ang pagsuporta ng mga senador para kay Angara bilang susunod na DepEd secretary dahil sa pagkakaroon nito ng malawak na background sa education sector.

Matatandaan na nagbitiw sa pwesto bilang DepEd chief si Duterte noong Hunyo 19.

Noong Hunyo 29, sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahihirapan siyang mamili ng susunod na kalihim ng DepEd at nangangailangan ng karagdagang oras para magdesisyon.

Kinilala ni Marcos na “valid concerns” ang mga panawagan ng iba’t ibang sector ng lipunan na ang ilagay niyang DepEd secretary ay dapat na isang educator, administrator, o historical professor. RNT/JGC