Home NATIONWIDE AngKasangga Party-list suportado ni ate Vi

AngKasangga Party-list suportado ni ate Vi

Naging masaya ang mga Batangueno kahapon nang masilayan nito ang kanilang pambato bilang gobernador ng Batangas na si former Batangas Gov. Vilma “Ate Vi” Santos sa isang free medical mission sa mga mahal na kababayan nito.

Sa tagpo na ito, masayang pinahayag ni Ate Vi ang suporta nito kay Angkas CEO George Royeca na nagnanais mas makatulong pa sa mga riders at informal settlers sa pamamagitan ng pagiging representate sa ilalim ng AngKasangga Party-list na may numerong 107.

“Tulad ko, sigurado ako na ang AngKasangga ay magiging malaking bagay at matinig na boses sa Kongreso. Alam ko na ang puso ni George (Royeca) ay nasa mga kapos-palad at hangad ang ikabubuti ng bansa,” pahayag ni Ate Vi habang kasama ang AngKasangga sa free medical mission na ginanap sa Barangay Balintawak, Lipa City.

Matapos ang medical mission, nag tungo naman ang anak nitong si Lucky Manzano kasama ang AngKasangga para mag-ikot at makita ang kalagayan ng ibang mamamayan dito maging ang mga Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODA) sa Lipa City.

“Hangad ko ang mas mapabuti ang kalagayan ng mga kapwa ko Batangueno. Makapag-bigay muli ng mas marami pang serbisyo publiko. Maaruga ang lahat sa abot ng aking makakayanan upang maging maayos ang kanilang buhay,” dagdag ni Gov. Santos.

“Nagpapasalamat po ako kay Gov. Vilma Santos (Ate Vi) sa kaniyang tiwala na ang Angkasangga po ay magiging tulay para sa mas maayos na bukas ng ating mga kababayan partikular na ang mga maliliit na manggawa at kapos sa buhay. Hindi ko po kayo bibiguin,” may haplos sa puso na pahag ni Royeca. RNT