Tiniyak ni Senador Grace Poe palalakasin ang batas laban sa nagmamalupit sa hayop o animal welfare law upang mapangalagaan ang karapatan at kagalingan nila.
Sa pahayag, sinabi ni Poe, nagsusulong ng karapatan ng hayop, na malaki ang nagawa ng mga inisyatiba ng ilang animal welfare groups at indibiduwal na tumutulong upang mapaunlad ang sitwasyon ng naturang nilalang.
“Kapag sama-samang kumikilos ang mga pribadong grupo at indibidwal para sa isang adbokasiya, marami talagang matutulungan,” ani Poe.
“Ako naman sa Senado, patuloy nating pinaglalaban ang karapatan ng mga alaga nating aso at pusa kasama ng mga pet owners,” dagdag ng senadora.
Nakilahok si Poe sa kasamahang animal welfare advocates sa ikalawang anibersaryo ng Biyaya Animal Care sa Mandaluyong City.
Mahigit 4,000 katao ang nagtungo sa event na nagbigayn ng libreng serbisyo sa aso at pusa.
Inihain ni Poe ang Senate Bill No. 2458 upang palakasin ang Animal Welfare Act.
Isinusulong ng panukala na magkaroon ang bawat barangay ng animal welfare programs to upang mabilis sila na epektibong kumilios laban sa pagmamalupit sa hayop.
Layunin din ng panukala, ayon kay Poe na lumikha ng pamantayan patungo sa pagtataguyod ng responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop kabilang ang maayos na pag-uugali at pananagutan mula sa may kontrol at nagbibigay ng kalinga sa mga hayop.
Sinabi ni Poe na may ilang kasamahan ang nagpanukala na maglaan ng badyet para sa local government at kinauukulang ahensiya sa pagsusulong ng neutering at spaying services sa buong bansa at maghatid ng libreng anti-rabies sa biktima ng kagat ng hayop.
Idinagdag pa ni Poe na dapat pondohan ang mga city at municipal pounds upang makabili ng gamit sa pangangalaga ng hayop.
Nakabilang din sa panukala ni Poe ang mas mabigat na parusa laban sa pagmamalupit at pag-aabadona ng hayop.
“May nabalitaan tayo na naiwan yung mga aso at pusa sa city pound nung bumaha. Habang naparusahan na ang responsable sa insidente, ayaw na nating maulit ang ganong kapabayaan,” ayon ka Poe.
Ibinahagi ni Poe ang pagkamatay ng kanyang lolo, ang ama n Fernando Poe Jr. (FPJ), sa rabies.
Sa kabila nito, ayon kay Poe, hindi tumigil sai FPJ na mag-alaga ng hayop partikular ang aso.
Aniya, inaalagaan ni FPJ ang kanyang aso nang mag-aral ito sa ibang bansa. Sa kanilang tahanan, katabi palagi ng ama ang kanyang aso tulad ng isang miyembro ng pamilya.
“I have no doubt that responsible pet owners are somehow responsible pet owners, too. Kung nakakagawa tayo ng mabuti para sa ating mga alaga, magagawa rin natin ito para sa ating kababayan,” ayon kay Poe. Ernie Reyes