Home NATIONWIDE Job fair para sa POGO workers isasapinal na ng DOLE

Job fair para sa POGO workers isasapinal na ng DOLE

(c) Crismon Heramis l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Isinasapinal na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang job fair na makakatulong sa mga manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na apektado ng pagsasara ng establisyimento.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, pinagtitibay pa ito at isinasapinal ang profiling ng mga apektadong manggagawa ay inaasahan ding matatapos sa loob ng linggong ito.

Sinabi ng kalihim na nasa 20,000 manggagawa ang na-profile na ng ahensya kung saan sila ay tinanong ng kanilang basic information.

“If the remaining IGLs (internet gaming licensees, formerly known as POGOs) that have not submitted the list of their employees, I will submit the requested list, we can finish the profiling this week. Otherwise, we cannot complete it. DOLE, however, will send a team to these IGLs to follow up and secure the list,” pahayag ng labor secretary.

Layon ng profiling na makakuha ng impormasyon sa mga personal na kalagayan ng manggagawa (ibig sabihin, edad/ katayuan) at nature ng kanilang trabaho/suweldo.

Sa batayan na ito, maaaring mag-iba ang tulong mula sa pagpapadali sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga direktang referral o job fair; livelihood projects o training, retraining at upskilling. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)