May kabuuang 18,271 na posisyon ang nakahanda sa pambansa at lokal na halalan sa susunod na taon, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ang bilang ng mga posisyon na maaring paglabanan ng mga kandidato sa 2025 midterm polls ay ang sumusunod:
Senators – 12
Party-list Representatives – 63
House of Representatives members – 254
Governor – 82
Vice-Governor – 82
Sangguniang Panlalawigan members – 792
City Mayor -149
City Vice-Mayor – 149
Sangguniang Panlungsod – 1,582
Municipal Mayor – 1,493
Municipal Vice-Mayor – 1,493
Sangguniang Bayan members – 11,948
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament members – 32
BARMM Party-list Representatives – 40
Sa pahayag noong Sabado, sinabi ng Comelec na natanggap nila ang pangalawang batch ng 8,640 newly manufactured automatic counting machines (ACM) nanidiniliber sa warehouse ng komisyon sa Biñan City, Laguna.
Sinabi ng Miru Systems Col Ltd., ang bagong automated election system service provider, ay lumampas sa target nitong maghatid ng 20,000 machine sa pagtatapos ng Agosto hanggang sa halos 25,000 ACMs. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)