Home LIFESTYLE HEALTH Anime, gagamitin bilang therapy para sa mental health

Anime, gagamitin bilang therapy para sa mental health

92
0

TOKYO, Japan – Isang psychiatrist mula sa rural Sicily na si Francesco Panto, ang nagsasagawa ng pilot study sa Japan kung maaaring gamitin ang anime bilang bahagi ng therapy para sa mental health.

Ayon kay Panto, nakatulong sa kanya noong kabataan ang anime at video games tulad ng Final Fantasy para makahanap ng emosyonal na suporta at mas maunawaan ang sarili.

“The use of manga and anime supported me so much… they were very important emotional support kind of tools,” aniya.

Ngayon ay nakabase na siya sa Japan at pinangungunahan ang isang six-month pilot study sa Yokohama City University tungkol sa “character-based counselling.”

Sa trial, 20 kabataang may edad 18–29 na may sintomas ng depression ang nakatanggap ng online counselling mula sa psychologist na gumagamit ng anime avatar at binagong boses.

Gumawa rin ang team ng anim na anime-style characters na may iba’t ibang personalidad at emosyonal na struggles, tulad ng anxiety, PTSD, at alcohol-related issues, na maaaring piliin ng participants.

Layunin ng pag-aaral na malaman kung nakakatulong ang “filter of fantasy” upang mas maging komportable ang mga pasyente at mas madaling maipahayag ang kanilang nararamdaman.

Isa sa mga kalahok ang nagsabing ang anime ay nakatulong sa kanya na makahanap ng “will to live,” dahil sa mga karakter na may inspirasyong abutin ang kanilang mga pangarap.

Ayon sa mga eksperto, maaaring makatulong ang anime sa pagpapadali ng emotional expression at komunikasyon sa therapy, lalo na sa mga taong nahihirapang humingi ng tulong dahil sa stigma sa mental health. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here