Home ENTERTAINMENT Annabelle, nagpaliwanag sa blind item!

Annabelle, nagpaliwanag sa blind item!

Manila, Philippines- Sa pamagitan din ng blind item idinaan ni Annabelle Rama ang kanyang disclaimer.

In her social media post, itinanggi ng showbiz mom na ang manugang niyang si Sarah Lahbati ang “S” na tinutukoy niya bilang si Chucky doll.

In her earlier post, pinulaan nga si Annabelle ng mga netizens sa pang-aaway nito kay Sarah to think na ito pa nga naman ang ina ng kanyang mga apo.

Giit kasi niya, hindi raw aawayin ng manyikang si Annabelle ang kapwa manyikang si Barbie dahil “maganda, maputi at makinis ito.”

Mas type daw awayin ni Annabelle si Chucky.

Obyus naman kung sino sina Annabelle, Barbie at Chucky sa konteksto ng showbiz mom.

Nagkakaisa nga ang mga netizens na ang tinutukoy na “Chucky” ng ina ni Richard Gutierrez ay ang asawa nito at manugang niyang si Sarah.

Dahil doon, Annabelle drew flak from the netizens sympathetic to Sarah.

For her part, pahapyaw ding nag-react si Sarah earning the netizens’ admiration dahil subtle o disimulado na’y classy pa ang ganting banat nito sa biyenan.

Ang latest, nilinaw ni Annabelle na hindi raw “S” ang initial ng tinutukoy niyang Chucky doll.

Ang totoo’y “E” ra” ang intial nito.

Obyus na hindi naman ang asawa niyang si Eddie o anak nilang si Elvis ang pinasasaringan ni Annabelle.

It’s a no-brainer post kung saan walang ibang taong may initial na “E” kang lisipin kundi si Esther Lahbati, ina ni Sarah at balae niya.

Still, hindi nakaligtas si Annabelle sa pagpuna ng mga netizens.

Hindi raw ba’t mas may karapatang umalma si Esther dahil obyus na may namamagitan na sa kay Barbie at sa kanyang son-in-law?

Ano nga naman daw ang kinalaman ni Esther sa isyung sangkot sina Richard at Barbie?

War of showbiz mothers–exciting ito! Ronnie Carrasco III