MANILA, Philippines – Simula ngayon ay kailangan nang isampa at isilbi sa pamamagitan ng electronic filing.
Sa resolusyon ng Supreme Court (SC) En Banc, pinalawig ang Rule 13-A ng Rules of Civil Procedure na nag-uutos ng electronic filing at service ng pleadings, mga mosyon at papeles sa civil case sa first at second-level courts.
Dati ay hindi saklaw ng Rule 13-A ang mga special proceeding gaya ng mga kaso ng annulment at nullity of marriage.
Ang Office of the Court Administrator ang nagrekomenda na isama na ang mga nabanggit na kaso dahil kapareho din ang proseso nito sa civil actions.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng SC na ipasimple ang court proceedings sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 (SPJI). TERESA TAVARES