DAGUPAN CITY — Dinepensahan ng mga senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang naging “timing” ng P20 rice rollout sa Visayas na ipinatupad ng Marcos administration sa pagsasabing hind ito pamumulitika.
Giit ng mga alyansa bets, alam ng lahat ang pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na P20 na kilo ng bigas kaya hindi nakakabigla na makalipas ang 3 taon sa panunungkulan ay nasimulan na ito.
“Ganoon talaga. Whatever timing it is, kahit last year pa ‘yan, sasabihin konektado sa eleksyon,” pahayag ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pressconference ng Alyansa bago ang kanilang campaign rally sa CSI Stadia sa Dagupan, Pangasinan.







