Home OPINION  ANO ANG ‘HOT WORK’?

 ANO ANG ‘HOT WORK’?

242
0

TINATAWAG na ‘hot work’ ang anomang trabaho na maaaring magdulot ng ‘spark’ at sapat na init upang magliyab o sumabog ang isang kondisyon na may ‘flammable gas mixture’ at oxygen.

 Kabilang sa uri ng hot work ang welding, grinding, pagpukpok at pagsunog ng bakal, paggamit ng ‘portable power tools’ at ‘internal combustion engines’.

 Sa industriya ng langis at gas, and kinokonsidera na hot work ang pagsasalin ng anomang ‘fuel’.

 Maaari kasing magdulot ng ‘heat energy’ ang pagsasalin dahil sa tinatawag na ‘static electricity’ na posibleng maging dahilan ng pagkasunog o pagsabog ng pipeline at storage  tank.

Napakahalaga na magkaroon ng mga polisiya ang isang kompanya sa pagpapatupad at pagmomonitor ng anomang hot work lalong-lalo na sa mga kompanyang gumagamit o nagpoproseso ng mga fuel.

Unang-una sa mga control ang mahigpit na implementasyon ‘work permit issuance’.

Sa pamamagitan ng dokumentong ito maidedetalye ang aktuwal na kondisyon ng lugar na pagdarausan ng hot work.

Kabilang sa work permit ang petsa at oras ng isasagawang trabaho, ilan at sino sa mga empleyado ang magtatrabaho, gaano ito katagal gagawin at iba pang mahahalagang impormasyon.

Kinakailangan ding may kalakip na ‘job hazard analysis’ or ‘task risk assessment’ ang work permit na magiging gabay ng work permit issuer. Ang issuer ang magbeberipika kung sapat ang mga ‘precautionary measure’ na inihanda ng work permit receiver laban sa mga ‘recognized hazard’ upang masiguro ang ‘safety and health’ sa gagawing hot work.

Maaari ding magrequire ng iba pang mga dokumento tulad ng ‘mechanical and electrical isolation certificate’ at ‘confined space entry certificate’.

Kailangang epektibong maisagawa ang “toolbox talk” o ‘safety briefing’ para maging malinaw sa kamalayan ang mga hazard, precautionary measure at emergency procedure.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here