MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo si National Security Adviser Eduardo Año sa Department of Justice (DOJ) laban sa 18 dating sundalo, Atty. Levi Baligod, at kay Mike Defensor kaugnay ng umano’y paglabag sa Article 154 ng Revised Penal Code o unlawful use of means of publication and unlawful utterances, at sa Republic Act No. 10175.
Ang hakbang ay kasunod ng mga paratang laban kay Año na tumanggap umano siya ng “paperbag” na naglalaman ng pera.
Sa reklamo, iginiit na ang mga akusasyon ay walang sapat na batayan at nagdulot ng pinsala sa kanyang reputasyon. RNT/MND