Home OPINION ANONG NAGAWA NANG PAGLA-LIVESTREAM NG BUDGET?

ANONG NAGAWA NANG PAGLA-LIVESTREAM NG BUDGET?

237
0

HALATANG kumukulo pa rin ang galit ng publiko dahil sa mga flood-control scam at mga nakataas-kilay na insertion na nadiskubre sa 2025 spending plan. Ang resulta: pilit ngayong nagpakitang-gilas ang Kongreso para tugunan ang demand ng publiko para sa isang hindi pangkaraniwang level ng pagsisiyasat habang pina-finalize ang P6.79-trillion budget para sa 2026.

At habang ang livestreaming ay nagbibigay naman ng kaunting transparency sa bicam — na sabi ng ilan ay ugat ng lahat ng baluktot na insertions — may risk itong maging eksaktong ayaw ng analysts: isang token gesture lang para masabing kasama ang publiko, at isang entablado para sa grandstanding.

Ang kailangan maintindihan ng mga Pinoy ay hindi transparency ang ultimate solution sa korapsyon, dahil ang problema sa korapsyon ay mismong korapsyon. Kung gano’n ang pananaw mo, pwedeng maabuso ang transparency para kontrahin ang tamang budgeting.

Nasa tunay na integrity test kung paano nagpaplano ang lawmakers, paano sila nagse-set ng priorities, at paano nila nilalabanan ang tukso na palobohin ang spending bill ng mga proyektong hindi naman maimplement dahil walang lupa, permit, feasibility, o kahit basic absorptive capacity.

Tingnan mo na lang ang Department of Public Works and Highways budget, na naging playground para sa kickback at nakawan. Dahil sobrang daming pera ang nilagay sa isang taong Build, Build More budget kahit kulang naman sa credible contractors na kaya talagang mag-implement ng malalaking infra projects.

Isa pa, kung gusto talaga ng ating elected lawmakers na magsumikap para sa isang credible na budget, kailangan talagang mag-aral ng karamihan sa kanila! Yes — sila at ang kanilang staff dapat nag-aaral ng constituency nila, nagreresearch, at ina-align iyon sa national policies and programs para i-push ang iisang direksyon para sa maayos at epektibong spending schedule para sa susunod na taon.

Ang pagpublish ng lahat ng amendments bago ang bicam, pagpangalan kung sino ang nagsingit ng ano, at pagpasok ng civil society sa loob ng kwarto ay essential. Walang argument doon. Pero kahit ’yon, kulang pa rin kung nakatali pa rin ang Kongreso sa isang budgeting culture na inuuna ang political patronage kaysa national purpose — kung saan ang unprogrammed funds ay nagiging political slush fund imbes na responsable at handang financing.

Dapat nilang pagtrabahuhan ang isang budget bill na tunay na naka-tune sa malubhang macro at micro na pangangailangan ng bansa, base sa matinong pag-intindi kung ano ang kayang pondohan at talagang gastusin — hindi ’yong pinapadagdag lang para mapasaya ang malalakas, makapangyarihan, at influential na tunay na may hawak ng power of the purse.

Sa huli, ang reporma ay hindi lang tungkol sa visibility. Tungkol ito sa intentionality — ang political will na gumawa ng budget na para sa bayan, hindi ’yong budget na ginawa para sa kapakinabangan ng mga gumawa nito.

At ito ang uncomfortable truth: ang tagumpay ng budget reform ay hindi kailanman aasa sa livestreams, matrices, o public dashboards. Ang dapat ireporma ay hindi lang ang proseso, kundi ang mga tao — ang moral fiber ng mga inihalal para i-represent tayo. Hangga’t hindi willing ang Legislature na linisin ang sarili nitong bahay, walang amount ng transparency ang makaliligtas sa budget. Character lang ang makagagawa niyan.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here