Home OPINION OSH CULTURE SA PLANTA AT MANUFACTURING COMPANIES, PATATAGIN

OSH CULTURE SA PLANTA AT MANUFACTURING COMPANIES, PATATAGIN

162
0

MASYADONG manipis ang linya sa pagitan ng normal na operasyon at isang mapaminsalang aksidente sa mga planta at manufacturing company. Hindi na natin iisa-isahin ang mga nakaraang reported accident sa mga planta at manufacturing facility na nagdulot ng malaking perwisyo sa komunidad at pamilya ng mga nasawi. Nandiyan naman si google para inyong malaman ang mga listahan at detalye ng pagsabog, pagkasunog, chemical release at iba pa na nangyari sa Pilipinas at ibang bansa.

Napakaimportante ang pagkakaroon ng malinaw, mahigpit, at teknikal na pamantayan para sa ganitong klase ng negosyo. Kailangan lamang masiguro na ang mga ito ay epektibong gumagana o naipatutupad. Maaaring gamiting gabay ang occupational safety and health program at internationally accepted best practices bilang obligasyon at maituturing na isa sa mga pundasyon ng negosyo at buhay ng mga manggagawa.

Karaniwang sanhi ng aksidente ang unsafe practices tulad ng maling paggamit ng kagamitan, shortcut sa proseso, at kakulangan sa tamang personal protective equipment o PPE. Halimbawa, kapag isinawalang-bahala ang LOTO (lock-out/tag-out) procedures, maaari itong mauwi sa electrocution o mechanical entrapment dahil sa biglaang pag-andar ng makina habang nagsasagawa ng repair o preventive maintenance.

Marami ring aksidente ang naidudulot ng poor housekeeping tulad ng mga natapong kemikal, mahina o kinakalawang na tubo o tangke, poor storage ng mga flammable gas cylinder, pamumuo ng mga alikabok sa ceiling at kapaligiran, kalat na hose, obstructed emergency exits at iba pa. Dagdag pa rito ang panganib na sakit dala ng isang maruming working environment.

Kailangang bigyan ng pagpapahalaga ang mga technical safety requirements tulad ng regular equipment inspection, preventive maintenance, functional safety devices (emergency stop buttons, interlocks, pressure relief valves), at engineering controls gaya ng tamang bentilasyon at containment systems, at automated monitoring.

Hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng permit-to-work at iba pang document for compliance. Dapat lang tingnan at suriin ang detalye ng bawat impormasyon sa aktwal na operasyon.

Papaano nga ba natin mapapanatili ang solidong safety culture? Nangangailangan ito ng kooperasyon ng lahat ng nasa kompanya. Sabi nga, “a safe and healthy workplace is a shared responsibility.” Naipakikita ito sa pamamagitan ng paglahok ng mga manggagawa sa regular training, toolbox meetings, hazard observation, incident reporting at iba pang elemento ng safety and health programs.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here