Home NATIONWIDE Antas ng krimen sa Pinas, bumaba ng 36.12% noong Hulyo — PNP

Antas ng krimen sa Pinas, bumaba ng 36.12% noong Hulyo — PNP

1
0

MANILA, Philippines – Bumaba ng 36.12 porsyento ang crime rate sa buong bansa noong Hulyo kumpara sa kaparehong buwan noong 2025, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na 2,209 focus crimes ang naitala noong Hulyo, mas mababa sa 3,458 kaso noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motor vehicle theft, at motorcycle theft.

Lahat ng kategorya ay nagtala ng pagbaba, pinangunahan ng rape na bumagsak ng 56.93 porsyento, kasunod ang motor vehicle theft na 46.15 porsyento at motorcycle theft na 42.59 porsyento.

“These results reflect the continuing efforts of the PNP, together with our communities and partner agencies, to prevent crime, strengthen police visibility, and keep our neighborhoods safe,” ani Nartatez sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

Nagsagawa rin ang PNP ng 5,526 anti-drug operations noong Hulyo na nagresulta sa pagkakaaresto sa 6,368 indibidwal at pagkakakumpiska ng mahigit P387 milyong halaga ng ilegal na droga batay sa standard drug price.

Naaresto rin ng pulisya ang 8,199 wanted persons, kabilang ang 2,352 most wanted persons at 5,847 iba pang wanted individuals.

Sa kampanya laban sa smuggling, nagsagawa ang PNP ng 2,927 operasyon laban sa economic offenses na nagresulta sa pagkakaaresto sa 656 indibidwal at pagkakakumpiska ng pera at iba’t ibang bagay na nagkakahalaga ng mahigit P628 milyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here