Home NATIONWIDE Anti-Asian online hate lumala sa pagluklok ni Trump

Anti-Asian online hate lumala sa pagluklok ni Trump

MANILA, Philippines – Mula nang manalo si US President Donald Trump sa eleksyon noong 2024, lumala ang online hate laban sa mga Asyano sa US, ayon sa Stop AAPI Hate.

Isinisisi ito ng grupo sa anti-immigration na paninindigan ni Trump at sa isyu ng H-1B visas.

Noong Enero 2025, naitala ang pinakamataas na bilang ng online slurs mula nang magsimula ang monitoring noong 2022, umabot sa 87,945—66% na pagtaas mula sa eleksyon.

Lalo pang tumindi ang diskriminasyon laban sa mga South Asians, na tumaas ng 75%, habang ang online threats laban sa mga Asyano ay lumobo ng mahigit 50% noong Disyembre at Enero.

Karamihan sa mga pananalita ay laban sa mga Indian, na inaakusahan ng “pagnanakaw ng trabaho.”

Ang pagtaas ng ganitong sentimyento ay kasabay ng lumalawak na impluwensya ng mga South Asian na politiko sa US. RNT