Kailangang Malawakang Plano sa Baha para sa Reclamation ng Manila Bay – Loyzaga
Binigyang-diin ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga ang pangangailangan ng komprehensibong plano sa baha para sa reclamation projects sa Manila Bay.
Ayon sa kanya, maaaring lumala ang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan kung hindi ito isasama sa mga plano.
Ayon sa pag-aaral ng UP Marine Science Institute at MERF, direktang maaapektuhan ng reclamation ang daloy ng tubig at drainage.
Nabahala rin si Loyzaga sa trapiko, suplay ng tubig at kuryente, waste management, at ang pagkawala ng kabuhayan ng mga mangingisda.
Isasama ng DENR ang mga natuklasan sa kanilang ulat sa Korte Suprema, na nag-atas noong 2008 na linisin at ibalik ang Manila Bay sa ligtas na antas para sa pampublikong rekreasyon.
Iginiit ni Loyzaga ang pangangailangang gamitin ang siyensya at klima-resilient na diskarte upang matiyak ang sustainability at kahandaan sa sakuna. Santi Celario