Home NATIONWIDE Mga saradong daanan sa Baguio sa Panagbenga, alamin!

Mga saradong daanan sa Baguio sa Panagbenga, alamin!

BAGUIO CITY – Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Baguio City mula Pebrero 21 hanggang 23 para sa Panagbenga Grand Street Dancing at Floral Float Parade, ayon sa pulisya.

Sa Pebrero 21, mula 3 p.m. hanggang 7 p.m., kalahating lane ng Session Road, Harrison Road, Jose Abad Santos Drive, at Lake Drive ang isasara para sa “Super Centennial Parade.”

Mula 1 a.m. hanggang 3 p.m. sa Pebrero 22 at 23, isasara ang South Drive, Session Road, North Drive, Kalaw Street, at bahagi ng Abanao Street, Magsaysay Avenue, Harrison Road, Perfecto Street, Mabini Street, Shanum Street, Abad Santos Drive, at Lake Drive.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta. Pagkatapos isara ang control points sa 5 a.m., tanging mga sasakyang may sakay na kalahok ang papayagang pumasok. Kailangang malinis ang emergency lane sa Kalaw-North Drive-Session Road Intersection, at dapat dumaan sa Kalaw Road at North Drive ang mga sasakyang pang-emerhensiya patungo sa mga ospital. RNT