PANGASINAN, Philippines – Natagpuang patay sa manggahan sa Bayambang, Pangasinan ang isang 16-anyos na dalagita matapos umanong gahasain at patayin ng tatlong lalaki na kaniyang nakainuman sa isang abandonadong bahay.
Ayon sa pulisya, pumayag umano ang biktima sa isang lalaki ngunit nang humiling ang isa pa at tumanggi siya, nauwi ito sa panggagahasa at pagpatay.
Natagpuan ang bangkay ng dalagita na tinakpan ng sako, may sugat sa ulo, at posibleng pinalo ng tubo.
Arestado na ang tatlong suspek at mahaharap sa kasong rape with homicide.
Humihingi ng hustisya ang ina ng biktima at nais habambuhay na makulong ang mga suspek.
Nagpaalala ang pulisya na huwag basta sasama sa hindi kilala. RNT