Home NATIONWIDE Election surveys ilalabas sa Comelec website

Election surveys ilalabas sa Comelec website

MANILA, Philippines – Ilalathala ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang website ang mga ulat ng mga survey firm na nagsasagawa ng election survey para sa midterm elections, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia nitong Huwebes.

Ito ay alinsunod sa Comelec Resolution No. 11117, na ipinahayag noong Miyerkules, na nag-aatas ngayon sa mga survey firm na magparehistro sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng komisyon.

Binanggit din ng resolusyon na ang mga ulat ay dapat isumite sa Education and Information department ng komisyon upang mapatunayan kung ang nailathala na mga resulta ay naayon sa mga opsiyal na kpmunikasyon na isinumite sa Komisyon.

Sinabi ni Garcia noong Huwebes na magkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga survey firms upang malaman ang kanilang hinaing sa bagong guidelines para sa election surveys.

Dagdag pa na bagama’t nararapat na ipaalam sa publiko ang kanilang mga kagustuhan sa pagboto sa pamamagitan ng mga survey, dapat tiyakin ng Comelec na dapat mabigyan ng “pantay na pagkakataon” ang bawat kandidato sa pagsunod sa mga alituntunin.

Ang Comelec, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, ay naglathala rin sa kanilang website ng mga certificate of candidacies ng national at local election bets at certificates of nomination at acceptance ng mga nominado ng party-list groups.

Ilalathala rin ang statements of contributions and expenditures ng mga kandidato pagkatapos ng halalan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)