Home HOME BANNER STORY Anti-political dynasty bill lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Anti-political dynasty bill lusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara

59
0

MANILA, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang anti-political dynasty bill sa Kamara na nagbabawal sa mga magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity o affinity sa pagtakbo o pagkakaroon ng pwesto sa kaparehong constituency o jurisdiction.

Ito ay matapos aprubahan via voice vote ng plenary ng Kamara ang House Bill 8389.

“Hindi na po pwede sabay na manungkulan si misis at si mister. Si misis at ‘yung kanyang anak, si nanay at si tatay. ‘Yun po ang sigurado na wala pong possible manipulation ng internal resources ng ating mga LGU,” sinabi ni Adiong kasabay ng plenary deliberations ng hakbang.

“Because we don’t have an anti-political dynasty policy, this measure is already a huge step forward,” dagdag pa niya.

Kabilang sa listahan ng principal authors ng House Bill 8389 ay sina Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela at House Majority Leader Sandro Marcos ng Ilocos Norte.

Mayroong 173 iba pang miyembro ng Kamara ang co-author ng panukala, o mahigit 1/3 ng lahat ng miyembro ng Kamara.

Ang House Bill 8389 ay kabilang sa priority measure ng Legislative-Executive Development Advisory Council at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa kabila nito ay hindi pa nasesertipikahang urgent ng Pangulo ang House Bill 8389 o anti-political dynasties.

Ayon naman kay Akbayan party-list Representative Perci Cendaña, hindi sapat ang House Bill 8389 para maalis ang political dynasty dahil ookupahan lamang nito ang iba pang elective posts sa bansa sa parehong panahon.

Sa bersyon ng Senado ng anti-political dynasty bill ay pinagbabawalan ang mga magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity or affinity sa pagkakaroon ng pwesto sa national o local elective posts sa parehong panahon.

“If the mayor’s uncle is the Vice Mayor, that is not covered because it is third degree. And if the said local government’s councilors are cousins of the mayor, then they are not also covered since they are related in fourth degree. Parang lumalabas po, family group chat ang kanilang meeting, or a family reunion,” ani Cendaña.

Sumagot naman si Adiong na ang sitwasyon ay nananatiling hypothetical sa panahong ito at hindi lahat ng mga magkakamag-anak na tatakbo ay mananalo sa eleksyon.

Idinagdag pa niya na binabalanse ng House Bill 8389 ang karapatan ng mga tao sa suffrage sa pag-aalis ng mga political dynasties.

“Democracy resides within the will of the people. We need to balance it out between the intention of the Constitution which is to regulate political dynasties in order to decongest power, avoid the build-up of power,” sinabi ni Adiong.

“This [bill] will give the Comelec enough room to actually assess and review lineage and affiliations between individuals who are running for elective posts,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here