Home NATIONWIDE Dating Cong. Franz Alvarez itinalaga ni PBBM na acting PNOC president

Dating Cong. Franz Alvarez itinalaga ni PBBM na acting PNOC president

58
0

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Palawan 1st District Rep. Franz Josef George Alvarez bilang bagong acting president at chief executive officer ng Philippine National Oil Company (PNOC).

Nilagdaan ng Pangulo ang appointment letter ni Alvarez noong May 13, 2026.

Papalitan ni Alvarez si Joel Caminade.

Si Alvarez ay nagsilbi bilang pangulo at CEO ng PNOC Exploration Corporation, isang subsidiary ng PNOC.

Ang PNOC ay Pambansang Kompanya ng Langis ng Pilipinas, isang kompanya na pag-aari ng pamahalaan ng Pilipinas.

Itinatag noong Nobyembre 9 1973 sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 334 upang ibigay at mapanatili ang sapat na paglalaan ng langis. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here