Home NATIONWIDE Anti-Vape at Anti-Tobacco campaign, mas pinagtibay ng DOH

Anti-Vape at Anti-Tobacco campaign, mas pinagtibay ng DOH

PASIG City, Philippines – Naglunsad ng kauna-unahang Anti-Vap at Anti-Tobacco Student Council ang Department of Health (DOH) sa Eusebio High School sa Pasig para sa mas pinaigting na kampanya kontra vape at sigarilyo.

Layon ng council na paigtingin ang peer influence ng mga kabataan para labanan ang maling impormasyon at mapanlinlang na marketing ng tobacco at vape industry.

Sa temang “’Wag Magpaloko sa Vape at Sigarilyo!”, bahagi ito ng health literacy campaign ng DOH para gawing vape at tobacco-free ang lahat ng paaralan sa bansa.

Sa datos ng World Health Organization, halos 13% ng kabataang Pilipino ang gumagamit ng tobacco, habang 14% naman ang gumagamit ng e-cigarettes.

Suportado naman ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at mga civil society groups ang kampanya upang maproktehan ang kalusugan ng kabataang Pilipino. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)