Home METRO Anti-War, Anti-EDCAravan sinimulan

Anti-War, Anti-EDCAravan sinimulan

Manila Philippines-Sinimulan na kahapon ang “Anti – War, Anti – EDCAravan”, isang pamamaraan ng pagprotesta laban sa isinusulong na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Ang nasabing aktibidad na nilahukan ng civic leaders at mga kabataan ay pinangunahan nina dating Senator Francisco “Kit” Tatad at Ado Paglinawan.

Larawan kuha ni Danny Querubin

Ipinaliwanag ni Tatad na isinasangkot umano ng Estados Unidos ang Pilipinas sa anomang usapin na pwedeng humantong sa giyera sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tropang Amerikano, military bases at facilities dito sa bansa gayong wala naman kinalaman ang mga nabanggit sa interes ng bansa.

Natuwa si Tatad sa daan-daang tao na nakilahok sa Caravan na nagsimula sa Quezon City Memorial Circle patungo sa Barasaoin Church, sa Bulacan upang gunitain ang Malolos Republic at deklarasyon Laban sa Amerika.

Larawan kuha ni Danny Querubin

 

Matapos sa Malolos, Bulacan agad naman tutungo ang Caravan sa Monumento ni General Antonio Luna sa Cabanatuan, Nevada Ecija upang magbigay pugay sa kagitingan ng bayaning heneral na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Sinalubong naman ng mga taga-Isabela ang Caravan patungong Tuguegarao, Cagayan upang parangalan naman ang goberador sa lugar na si Gov. Manuel N. Mamba na tumatayo laban sa EDCA military bases na ilalagay sa lalawigan ng Cagayan. RNT

Previous articleEx-DA chief tumangging sangkot sa onion cartel
Next articleGMA Network, nalungkot sa announcement ng TVJ!