Home METRO Antique isinailalim sa state of calamity sa El Niño

Antique isinailalim sa state of calamity sa El Niño

ANTIQUE- Isinailalim sa state of calamity ang probinsyang ito bunsod ng El Niño na nagdulot ng pagkatuyot ng mga lupa.

Sa ipinasang resolusyon ng Antique Provincial Board No. 2024-251 noong Huwebes, pormal na idineklara ang state of calamity sa lalawigan na inirekomenda ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ayon kay Antique Gov. Rhodora “Dodod” Cadiao, mas mapadadali na ngayon ang pagpapalabas ng Quick Response Fund (QRF) na maghahatid ng tulong sa mga residente at magsasaka na apektado ng El Niño.

Una rito, nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng Sibalom, Anini-y, at Laua-an.

Mayroong 281 barangay ang naturang probinsya na apektado ng tagtuyot simula noong Abril 15.

Nakapagtala na rin ng P213.5 milyong pinsala sa agrikultura at mga fishpond.

Inaasahan naman ng Antique PDRRMC na madaragdagan pa ang mga munisipalidad na magdeklara ng state of calamity. Mary Anne Sapico