Home OPINION ANXIETY NI ROMUALDEZ

ANXIETY NI ROMUALDEZ

2
0

KINASUHAN na rin ng plunder sa Sandiganbayan, sa tinagal-tagal ng “drama”, si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng pandarambong sa pondo para sa flood control projects.

Ngunit kagaya ng “bulok na estilo” ng ibang politiko at opisyal ng gobyerno kapag nahaharap sa pag-aresto dahil sa kanilang mga pagnanakaw sa kaban ng bayan, nag-iinarteng sila’y may sakit.

Biglang na ospital at kinakasapakat ang mga kakilalang doktor para makahingi ng “hospital arrest”.

Tumaas daw ang presyon at nagkaroon ng ANXIETY ATTACK si Romualdez na naging dahilan ng kanyang pagkaospital.

Kung totoo mang biglang dinapuan ng sakit si Romualdez, tingnan n’yo ang reaksyon ng taumbayan. Hindi sila nahahabag sa kanya. Sa halip, tuwang-tuwa ang sambayanan sa “KAKATWA” niyang hitsura habang nasa kama ng ospital.

Ang karamihan, nagdadasal pa nga na siya ay “matuluyan.” Na sana raw ay matupad sa kanya ang pamosong “Wish ni Kara David”.

Kaya tayo ay “lungkot na lungkot” dahil imbes na awa ay sumpa para sa kanya ang namumutawi sa madla.

Mantakin n’yo, noong siya pa ang “Hari ng House” ay sobrang lakas niya. Kuntodo ngiti. Mukhang tagumpay na tagumpay. Ang daming kongresman na nakatanghod at sumisipsip sa kanya.

Ngayon ay hinang-hina kuno na siya. Hindi magkandagulapay. Walang magawa ang kanyang mga, kaibigan, kasapakat at alipores sa Kamara.

Wala namang problema kung magkasakit siya. Sige lang drama mo yan e.

Pero hindi kami naniniwala sa inyong palabas o nais na ipalabas.

Walang kwenta ‘yang ANXIETY mo sa DEPRESYONG dinanas ng maliliit na taong binaha dahil pinagkaisahan ninyong nakawan ng pondo para sa flood control.

Walang-wala yan sa ANXIETY na dinanas ng mga taong ginaw na ginaw habang nakahalukipkip sa kanilang mga bubungan dahil pinasok ng baha ang mga bahay.

Wala ‘yang sakit mo sa sakit ng dibdib ng mga taong pinanonood na lang ang kanilang mga tahanan habang winawasak at tinatangay ng flash flood.

Walang sinabi ‘yang ANXIETY mo sa mga taong umiiyak sapagkat nawalan ng kabuhayan dahil sa baha.

Walang binatbat ‘yang sakit mo sa mas masakit na naranasan ng mga taong nawalan ng mahal sa buhay matapos dapuan ng iba’t ibang sakit na dulot ng pagbaha.

Walang silbi ‘yang drama mo MARTIN ROMUALDEZ dahil wala nang NAAAWA SA INYO!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here