Home METRO Apektado ng pag-alburuto ng Mayon, higit 41K indibidwal na

Apektado ng pag-alburuto ng Mayon, higit 41K indibidwal na

MANILA, Philippines – Apektado ng pagligalig ng Bulkang Mayon ang nasa 41,517 indibidwal o 10,652 pamilya na naninirahan sa 26 barangay, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Linggo.

Sa nasabing bilang, 18,751 katao o 5,365 pamilya ang nananatili sa 28 evacuation centers sa Bicol Region, habang 1,427 katao o 408 pamilya ang naghahanap ng pansamantalang tirahan sa labas ng mga evacuation center.

Sinabi ng NDRRMC na nasa P130.5 milyong halaga ng tulong ang naibigay sa Rehiyon ng Bicol, sa ngayon.

May kabuuang 397 rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) noong Linggo.

Hanggang alas-5 ng umaga, ipinakita sa bulletin ng PHIVOLCS na ang nababagabag na bulkan sa Albay ay mayroon ding apat na volcanic earthquakes at dalawang dome collapse pyroclastic density current events.

Ang daloy ng lava sa kahabaan ng Bonga Gully, samantala, umaabot sa 1.3 kilometro.

Nagkaroon din ng lava collapses sa magkabilang gullies sa loob ng 3.3 kilometro at 4 na kilometro sa kahabaan ng Basud Gully, ani PHIVOLCS. RNT