Home METRO Palawan most preferred travel destination-survey

Palawan most preferred travel destination-survey

MANILA, Philippines – Nangunguna ang Palawan sa mga nais na puntahan ng mga turista, base sa isinagawang PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey.

“Palawan emerged as the most preferred travel destination, with an impressive 23% of respondents expressing their desire to visit the breathtaking province” ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.

Ang mga naggagandahang beach, crystal-clear water at ang rich marine biodiversity ang dahilan ng mha Filipino sa pagpili sa Palawan bilang kanilang travel destination.

Pumangalawa naman ang Baguio City, ang Summer Capital of the Philippines, na nakakuha ng 16%.

Ang malamig na klima at ang mga bagong atraksyon sa Baguio ang dahilan kung bakit ito nais na puntahan.

Nasa ikatlong pwesto naman ang Cebu at Siargao na kapwa namakuha ng 9%.

Lumitaw na ang mga nasa Visayas ang nais na pasyalan ang Cebu habang mga taga Mindanao naman ang nais na pumasyal sa Siargao.

Nakakuha naman ng 8% ang Boracay habang ang Batanes na kilala sa magagandang tanawin ay nakakuha ng 6%.

Ang mga residente sa North-Central Luzon ang nais na bumisita sa Batanes.

Pasok din sa travel destination na nais puntahan ang Bohol na nakakuha ng 4% at Davao na nasa 3%.

Matatandaan na mas pinalakas ng Department of Tourism (DOT) ang kampanya nito para sa turismo sa inilunsad na bagong tagline na “LOVE the Philippines.

Ang PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2) ay isang independent at non-commissioned survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc sa pagitan ng June 7 hanggang 12 2023 sa may 1500 respondents. RNT