Home NATIONWIDE Mababasang Tweets lilimitahan ni Musk

Mababasang Tweets lilimitahan ni Musk

MANILA, Philippines – Lilimitahan ng Twitter ang bilang ng dami ng tweet bawat araw na mababasa ng iba’t ibang mga account.

Sinabi ni Executive Chair Elon Musk sa isang post sa platform ng social media na ang hakbang ay “extreme levels” ng data scraping at system manipulation.

Para sa mga verified na account, lilimitahan ang mababasa sa 6,000 na mga post sa isang araw, ani Musk, habang ang mga hindi verified account ay may 600 mga post na limitasyon sa isang araw. Habang ang mga hindi na-verify na mga account ay limitado sa 300.

Sa ngayon, ang pansamantalang limitasyon sa pagbabasa ay nadagdagan sa 10,000 mga post bawat araw para sa mga verified na user, 1,000 na mga post bawat araw para sa hindi na-verify at 500 mga post bawat araw para sa mga bagong hindi na-verify na user. RNT

Previous articleWarship ng Russia namataan sa Taiwan, Okinawa islands – Japan
Next articlePalawan most preferred travel destination-survey