THE HAGUE, Netherlands – Inalis ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang hiling na i-apela ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na huwag bawiin ang appointment ng mga abogado ng biktima sa kaso laban sa kanya.
Ayon sa 3-page filing noong Marso 16, sinabi ng depensa na maaari pa rin silang maghain ng ibang hakbang kung sa tingin nila ay may hadlang sa representasyon ng mga abogado ng biktima, sina Joel Butuyan at Gilbert Andres.
Noong nakaraan, hiniling ng depensa na ma-disqualify ang mga abogado sa dahilan ng conflict of interest, ngunit tinanggihan ito ng Pre-Trial Chamber I dahil walang napatunayang conflict.
Haharapin ni Duterte ang kaso ng murder at frustrated murder kaugnay sa mga pagpatay noong siya’y alkalde ng Davao at bilang Pangulo ng Pilipinas. Kasalukuyang tinatalakay ng ICC ang confirmation of charges bago magdesisyon sa susunod na hakbang sa paglilitis. RNT/MND