MANILA, Philippines- Sinabi sa ulat na ang midnight appointment na ginawa ni retired Bureau of Fire Protection (BFP) Chief, Director Louie Puracan na nagretiro sa bureau noong Nobyembre ay pina-recall ni Interior and Local Goverment Secretary Jonvic Remulla, Lunes (December 9).
Sa isang Department Order 1390 na nilagdaan ni Remulla na may petsang December 9, na nakuha ng sumulat mula sa source sa DILG, na ang umano’y Special Order na ginawa ni Puracan na nagtalaga ng mga pangunahing opisyal ng BFP kabilang ang Quezon City Fire Marshal, bago siya nagretiro sa kalagitnaan ng Nobyembre ay ni-recall ng DILG Secretary.
Kasama sa utos ni Puracan sina Fire Sr. Supt. Eddie Tanawan na humalili kay Quezon City Fire Marshall, Sr. Supt.Flor Ian Guerrero, na itinalaga naman sa lugar ng CALABARZON (Quezon, Laguna, Batangas, Quezon).
Kaugnay nito, nabatid na nang matanggap umano ni Remulla ang impormasyon na si Puracan bago magretiro ay naglagay ng junior officers sa estratehikong area kung saan umano nagtulak sa DILG Secretary na bawiin ang utos.
Bukod dito, nakatanggap din si Remulla ng mga reklamo mula sa Quezon City fire inspectors hinggil umano sa hindi maayos na relasyon sa kanilang Fire Marshall dahil sa isyu ng kanilang pagpapatupad ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) isang dokumentong kailangan ng anumang establisimyento, na siniyasat sa mga hakbang sa kaligtasan ng sunog.
Kaugnay nito, iniutos umano ni Remulla sa lahat ng mga opisyal na itinalaga ni Puracan na “bumalik kaagad sa kanilang mga orihinal na istasyon.”
Bukod kina Tanawan at Guerrero, ang iba pang opisyal ng BFP na apektado ng recall order ni Remulla ay sina BFP Chief Supt. Jaime Ramirez, Chief Supt. Alma Abacahin, Sr. Supt. Richard Arbutante, Sr. Supt Paul Pili at Sr. Supt. Bernard Rosete. Santi Celario