Home NATIONWIDE Araw para sa LGBT pilgrims inilaan sa Catholic jubilee sa susunod na...

Araw para sa LGBT pilgrims inilaan sa Catholic jubilee sa susunod na taon

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Vatican nitong Biyernes, Disyembre 6 na magkakaroon ng espesyal ba araw ang gay Roman Catholic pilgrims sa Setyembre 6 sa pagdiriwang ng Jubilee Holy Year sa susunod na taon.

Tatanggapin ang mga miyembro ng LGBT+ community ng Simbahan sa Jesuit mother church, ang Church of the Gesu sa Central Rome.

Sa ulat, sinabi na tatanggapin dito ang LGBT+ pilgrims, kanilang pamilya at katrabaho.

Sinabi naman ni Monsignor Rino Fisichella, ang Jubilee director sa ANSA, na lahat ay malugod na tinatanggap.

Si Fisichella na pro-prefect din ng Dicastery for Evangelization at responsable sa pag-aayos ng Jubilee ay kinumpirma na ang inisyatiba ay batay sa udyok ng Association La Tensa di Gionata at nasa kalendaryo tulad ng marami pang iba. Jocelyn Tabangcura-Domenden