MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang disenyo sa ariktektura at inhenyero ng bagong gusali ng Senado na kasalukuyang itinatayo sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City.
Sa press conference, inihayag ni Escudero na kauna-unang pagkakataon na magkakaroon ng sariling tahanan ang Senado na pinondohan ng bilyong piso sa General Appropriations Act (GAA) kada tao na detailed architectural and engineering design (DAED) simula nang itayo ang gusali noong 2019.
“Ito ang kauna-unahang pagkakataon… na nagkaroon ng DAED ang building na ito na dapat sana ay meron na bago pa man simulan ang building construction ng anumang building. But finally meron na. Para itong roadmap, ika nga, hindi lang plano pero detailed nga,” ayon kay Escudero.
“Inayunan namin sa pamamagitan ng pagbi-bid ng mga amounts na kailangang gawin, trabahong kailangang gampanan. Kung ano ang magiging suma tutal nito sa mga susunod na linggo, dahil nga meron nang kumpletong plano hanggang sa matapos ang building,” dagdag niya.
Ayon kay Escudero, magkakaroon ng ceremonial signing sa stakeholders at inspection sa new Senate building sa susunod na linggo.
“Para makita niyo na rin siguro kung nasaang stage na nga ba ito. Para maniwala kayo ‘pag sinabi ko na hindi pa kaya sa kasalukuyang taon,” giit niya.
Umabot sa P.4.2 bilhyon ang pondong inilaan sa new Senate building sa 2025 national budget kaya may kabuuang alokasyon ang istruktura sa halagang P23.5 bilyon simula noong 2018. Ernie Reyes