Dinaluhan ng mga pambato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas na sina Abby Binay, Benhur Abalos, Panfilo Lacson, Erwin Tulfo, Tito Sotto, Francis Tolentino at Campaign Manager Congressman Toby Tiangco ang Press conference bago ang kanilang Proclamation Rally sa Antipolo na dadaluhan ng mga libo-libong mga taga-suporta ng Alyansa. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Matapos ang isang linggong break para tutukan ang local campaign, muling nagsama-sama ang 11 senatorial bets ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas at sinuyo ang mga botante sa lalawigan ng Rizal para sa kanilang ika-11 na campaign rally.
Ang Rizal ang unang campaign rally ng Alyansa ngayong buwan ng Abril.
Nabatid na ang Rizal ang ika-7 sa
vote-rich province sa Luzon at noong nakaraang presidential election ay nanalo dito si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at nakakuha ng 765,019 votes.
Kumpiyansa ang Alyansa na ang suporta ng mga residente ng Rizal kay Pangulong Marcos ay kanila ring makukuha.
Ang Rizal ay mayroong 1.67 million registered voters at ang voters turnout rate ay 81.03%.
Sinabi ni Alyansa Spokesperson Toby Tiangco na ang lalawigan ng Rizal ay tinuturing na “powerhouse” lalo na pagdating sa voters turnout kaya naman isa ito sa kanilang sinusuyo.
Ipinagmalaki ni Tiangco na ang lahat ng mga kandidato ng Alyansa ay pawang mga “doers” kaya asahan na magdedeliver ang mga ito sa oras na maluklok sa senado.
“Our candidates are doers. They’ve delivered. When you combine that with infrastructure and economic vision of President Bongbong Marcos, Rizaleños will see a team truly worth supporting,” pahayag ni Tiangco.
Ang Alyansa ticket ay kinabibilangan nina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, dating Senator Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar. Gail Mendoza