Manila, Philippines- Maraming Pilipino ang tiyak na makaka-relate sa ugali ni Arci Muñoz pagdating sa pagpapautang lalo na sa kanyang mga mahal sa buhay.
Naging ugali na raw kasi ni Arci na hindi mahirap lapitan pag nangangailangan o nagigipit sa pera ang mga kaanak.
Hindi ka raw kasi magdadalawang salita sa kanya lalo’t meron din lang siyang maitutulong.
But this is where the problem lies: pautang siya nang pautang pero nahihiya raw siyang maningil.
Katwiran ni Arci, ayaw raw niyang maka-offend.
Maganda kung sa maganda ang ugaling ito ni Arci pero hindi naman yata tamang pairalin niya ang hiya sa paniningil.
Ang tendency, posibleng abusuhin siya ng kanyang mga tinutulungan.
Wala bang kusa ang mga ito na magbayad nang hindi na kinakailangan pang kalampagin para magbayad?
llang beses na ba tayong nakakarinig ng mga kuwento tungkol sa ilang tao na ang galing-galing kapag umuutang, pero pagdating sa pagbabayad ay sila pa ang galit pag sinisingil?
With Arci’s attitude, binibigyan lang niya ng lisensya ang mga taong pinauutang niya sa huwag nang magbayad, which doesn’t seem fair lalo’t kung hard-earned money ang ipinautang mo.
Dapat maisip mismo ni Arci na magkaiba ang utang sa bigay.
Samantala, natuto naman sa ibang aspeto ng pananalapi si Arci.
Nagsilbing aral na kasi sa kanya nang manakaw ang kanyang debit card habang natutulog sa business class ng eroplanong sinakyan pabalik ng bansa.
Aabot din sa kalahating milyong piso ang nabawas o na-debit sa kanyang ninakaw na card.
Nakipag-ugnayan na rin daw si Arci sa banko sa posibilidad na mabawi ang halagang nawala sa kanya, but to no avail.
Sa ngayon, Arci exercises more caution than ever pero naroon ang panghihinayang.
Blood, sweat and tears daw ang katumbas ng nanakaw na pera na sana raw pala’y ipinamahagi na lang daw niya sa mga mahihirap nating kababayan, lalo na ‘yung mga walang makain.
“Come to think of it also, ilang travel na rin ang katumbas niyon,” pagtatanto ng aktres. Ronnie Carrasco III