Home ENTERTAINMENT Arci Munoz, nawalan ng panty!

Arci Munoz, nawalan ng panty!

Manila, Philippines- Riot ang pelikulang ‘Malditas in Maldives’, matindi kasi ang kombinasyon ng nga bida ritong sina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee. 

Sosi ang tatlo dahil sa Maldives mismo sila nag-shooting.

Mula sa multi-awarded writer-director-producer na si Njel de Mesa, isa siguro ang pelikulang ito sa most memorable kay Arci. 

Bukod kasi sa nagkasakit siya rito, nawala rin ang bagahe ng aktres papunta sa Maldives, kasama rito ang dala niyang undies.

Pahayag ni Arci, “Actually, hindi ako makapaniwala na nakabuo kami ng pelikula. Kasi noong time na isinu-shoot namin iyon I give-up na talaga, wala na ako sa mood, gusto ko na lang mag-swimming.

“Kaya lang may sakit din ako, kaya hindi rin ako puwedeng mag-swimming. So wala, panonoorin ko na lang sila.

“Kasi nga ay nawala yung mga gamit namin, yung maleta ko actually at saka yung maleta ni Direk (Njel). Iyong mga equipment (sa shooting) nawala, pati mga damit ko.

“So iyong panty ko, dalawa lang, tapos nilalabhan ko lang,” natatawang kuwento pa ni Arci.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Sobrang nawalan talaga ako nang gana. Isipin mo nasa Maldives ako, naka-ready na lahat ng isusuot ko… Kasi sobrang maarte ako, pagdating sa ganyan, pagdating sa styling…

“So very disappointed talaga ako sa nangyari sa amin during the shoot. So, I cant believe na nakabuo kami ng something na maipiprisinta pa namin sa international filmfest.”

Mabuti na lang at may dala siyang panty for emergency na wala sa bagahe niya. Kaya sa one week nilang shooting sa Maldives, dalawa lang ang ginagamit niyang panty na halinhinan. Wala raw kasing tindahan doon.

“Sanay po kasi kaming mag-travel, kaya usually naglalagay talaga ako sa hand carry ng extra shirt, extra undie, pang-emergency. Buti na lang may dala ako, so pagsuot ko ngayon, lalabhan ko the next day. Struggling talaga… kasi walang mabilhan doon.”

Mabuti at maraming baong new at hindi pa gamit na swimsuits si Kiray, kaya pinahiram niya si Arci.

Anyway, sa Malditas in Maldives na hatid ng NDMstudios, tatlong bloggers na magka-away ang nais mag-feature ng isang magarang resort sa Maldives. 

Ngunit biglang nagkaproblema at nawala ang kanilang eroplano. 

Habang sumasagi sa kanilang isipan na baka sila ay nasa purgatoryo, kailangang gamitin ng tatlong babae ang kanilang talino at kakatwang pag-uugali para makatawid sa mga kaganapang hindi nila inaasahan.

“Hangad po namin na makapagbigay ng nakakatawang karanasan sa aming mga manonood. At sa tulong ng mga napakagaling naming mga artista na sina Arci, Kiray, at Janelle, alam naming magiging espesyal ang ipapakita namin,” pahayag ni Direk Njel. Nonie Nicasio