Home NATIONWIDE ‘Pagtataboy’ ng Tsina sa PCG vessel sa Scarborough Shoal pinabulaanan ng NSC

‘Pagtataboy’ ng Tsina sa PCG vessel sa Scarborough Shoal pinabulaanan ng NSC

MANILA, Philippines- Hindi itinaboy ng China ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel na nagpapatrolya sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea, ayon kay National Security Adviser  Jonathan Malaya.

“It’s a figment of their imagination,” wika ni Malaya sa isang phone interview nitong Martes, at sinabing walang basehan ang pahayag ng China.

Sinabi ng Chinese state-backed publication Global Times sa isang post sa X (dating Twitter) nitong Lunes na pinaalis ng CCG ang isang PCG vessel sa Scarborough Shoal. Hindi na ito nagbigay ng detalye.

Subalit, sinabi ni Malaya na nagpapatrolya pa rin ang BRP Teresa Magbanua sa nbisinidad ng maritime feature.

“Our coast guard vessel is there, it’s still patrolling,” giit ni Malaya.

Ang Scarborough Shoal ay isang traditional fishing ground, ayon sa 2016 arbitral tribunal ruling.

Patuloy naman ang pagbalewala ng Beijing, na umaangkin sa halos kabuuan ng South China Sea, sa ruling ng international tribunal, sa patuloy na pangha-harass ng vessels nito sa mga mangingisdang Pinoy sa teritoryo. RNT/SA

Previous articleSahod ng higit 800 dating OFWs sa Saudi nabayaran na
Next articleArci Munoz, nawalan ng panty!