Home ENTERTAINMENT Arci, no comment sa pag-aresto kay Digong!

Arci, no comment sa pag-aresto kay Digong!

Manila, Philippines- Minsan nang naugnay ang pangalan ni Arci Muñoz kay Paolo Duterte, ang pulitiko ring anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tulad ng alam ng lahat, nasa ICC sa Hague, The Netherlands si Digong kaugnay ng crime against humanity na kinakaharap nito sa kanyang war on drugs sa termino niya.

Visible kamakailan si Arci dahil nagpo-promote siya ng kanyang latest movie.

She couldn’t help but get asked by the entertainment media kung ano ang kanyang reaksyon sa pagkakadakip sa amang na-link sa kanya noon.

Umiling lang si Arci as she politely excused herself: “I don’t want to talk about politics!”

Sa halip ay mas gusto na lang pag-usapan ni Arci ang pagkakaroong muli ng pelikula.

She takes pride in her latest film na makabuluhan daw.

Incidentally, 17 taon nang miyembro si Arci ng bandang Philia.

Sa tagal daw nito’y parang magkakapatid na ang turingan nila ng kanyang mga co-members.

Dahil pagkanta ang mas pinagkakaabalahan niya, this explains kung bakit walang puwang kay Arci ang pulitika o pumasok sa larangang ito. Ronnie Carrasco III