Home ENTERTAINMENT Arjo, may update sa career at kay Maine!

Arjo, may update sa career at kay Maine!

Manila, Philippines- Si First District Representative Arjo Atayde ang unang celebrity na nagpa-Christmas party in September sa entertainment media.

Feel na feel ang spirit of Christmas during the celebration na ginanap sa headquarter ni Cong. Arjo.

Hindi lang siya nag-share ng blessing kundi ibinahagi rin ni Cong. Arjo ang latest update sa kanila ng misis niyang si Maine Mendoza, sa pamilya Atayde, sa kanyang distrito, ang upcoming projects niya at ang pagkaka-panalo niya bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa na karakter niya “Cattleya Killer.”

Ang “Cattleya Killer” ay isang Filipino crime-thriller series mula saABS-CBN at Nathan Studios mula sa direksyon nina Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao.

Nag-premiere ito globally sa Prime Video nuong June 1, 2023.

Ang performance ni Arjo sa Cattleya Killer ang tumalo sa lima pang mga nominado para sa tropeo ng 2024.

Winner din si Arjo ng Best Actor sa Asian Academy Creative Awards for his role in Bagman noong 2020.

May balitang hahalili sa kanya bilang First District Representative ang kanyang ina at multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez. Habang magko-concentrate na si Cong. Arjo sa kanyang shwwbiz career.

“No, it’s not true. My Mom is not replacing me. I have much to do. We have been working very hard in the District.

“Actually, from last month pa, nu’ng natapos ko ‘yung ibang commitments I was able to keep myself free until after elections as well. So that I can focus of course in the district,” pahayag ni Cong. Arjo. Julie Bonifacio